WIKA
NATIN ‘TO
Wika,
simbolo ng kalayaan at pag-asa. Nagpapasalamat ako dahil nabiyayaan tayo ng
wika at dahil dito, naipapalaganap natin ang pagkakaisa.
Wika ng
Pagkakaisa ang tema ng buwan ng Wika ngayong taong ito. Ano nga kaya ang naibibigay
ng wika at ano nga ba ang kahalagahan sa buhay ng bawat isa?
Sa araw-araw
nating pamumuhay, wika at diyalekto ang palagi nating ginagamit. At dahil dito,
nagiging susi para tayo’y magkaunawaan, magkaisa, magmahalan at upang magsanib-pwersa
ang ating mga hangarin sa buhay. Hindi lang ito ang dulot ng wika sa buhay
natin, paraan rin ito para tayo’y magtagumpay sa ating mga buhay. Paano nga ba?
Simple lang, natutulungan tayo para tayo’y magsikap, magsipag, maging matapang
sa mga pagsubok at para maipadama ang pagmamahal sa sariling atin lalo na ang
pambansang Wika natin, ang Filipino. Kaya marapat lang na tayo’y magkaisa at
gamitin ng tama ang wika.
Sadyang di
maikukubli ang wika dahil biniyayaan tayo para gamitin, ipalaganap, tangkilikin
at higit sa lahat ipagmalaki. Wika Natin, Wika ng Pagkakaisa.
I loved the things you discussed in your work.. Continue the good start and be a model to every writer ahead.
ReplyDeleteThank you so much bes :) You made me cry. XD
Delete